Life Before Man
SA WAKAS!! Natapos ko na ring basahin ang Life Before Man ni Margaret Atwood.
Dog-eared na nga ang kopya ko ay lalo pang naging dog-eared dahil matagal din itong na-stocked up sa bag ko. Taong 1987 pa na-publish itong kopyang naiskor ko sa Booksale ng 30 pesos. Malapit na itong maagnas.
Point-of-view ng tatlong tauhan ang buod ng nobela: sina Elizabeth, Nate, at Lesje [binibigkas na "Lashia"]. Salit-salitang pagsasaad ng kanilang mga kuwento at internalisasyon. May mga dates ang bawat chapter, nagpapaka-epistolary writing. Hehe. Giya na rin iyon para malaman natin ang flow ng plot dahil salit-salitan din ang mga pangyayari batay sa mga dates.
Sinikap ikonek ni Atwood ang kontemporaryong buhay ng tatlong tauhan sa period ng mga dinosaurs. Si Lesje, na bata pa lang ay mahilig na sa mga rocks at fossils, ang nag-contemplate hinggil dito.
Sa kabuuan, ang nobela ay tungkol sa mga relasyon. Sa mga relasyong sekswal. Halimbawa, ikinumpara ang pagse-sex ng mga tao sa iba pang hayop. Ang pangangailangang mag-contemplate sa sex bilang instinct. Pagkatapos, paano na? Sino ang magliligpit ng higaan? Sino ang aako ng responsibilidad ng pagpapamilya?
Tungkol ito sa mga one night stands ni Elizabeth. "Elizabeth is old enough to know that one woman's demon lover is another's worn-out shoe." Sa diborsyo. Sa palitan ng mga partner. Asawa ni Elizabeth si Nate. Si Lesje ay may William. Nagbaril si Chris, ang kabit ni Elizabeth. Nang matapos si Nate kay Martha, si Lesje naman ang kinarir niya. Nakipag-sex naman si Elizabeth kay William--sa partner ng kabit ng asawa niya. Punyeta! Parang nanuod ka lang ng Gimik o TGIS. Nagpapalitan lang ng mga syota.
May hint ng tulang Morning in the Burned House ang pagkakasunog ng nanay ni Elizabeth.
Nagsimula ang nobela sa mga linyang, "I don't know how I should live. I don't know how anyone should live. All I know is how I do live. I live like a peeled snail."
..at nagtapos sa, "China does not exist. Nevertheless she longs to be there."
Mga linya ni Elizabeth. Sa huli, nakatingin lang siya sa mga larawan ng The Art of Ancient China. Life before "man".
This entry contained scripting, which has been removed for your safety. Click here to see the entry in its entirety.
Posted by soulfly at 08:49 AM | Add a Comment




